Namahagi ang Department of Agriculture-Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (DA-BFAR) Region 2 ng kabuuang 21,330 pirasong siganid o malaga fingerlings sa siyam na coastal municipality sa lalawigan ng Cagayan

Ang siganid o malaga ay isang uri ng isdang dagat na karaniwang matatagpuan sa mga seagrass areas at coral reefs. Kilala ito sa masarap na lasa at mataas na demand sa merkado, kaya’t kabilang ito sa mga pangunahing isdang inaalagaan sa mga coastal municipality.
Dagdag pa ng DA-BFAR, bahagi ito ng patuloy na programa na nakatuon sa food security, aquaculture development, at marine resource rehabilitation, kung saan katuwang nila dito ang mga LGU sa pagsubaybay at monitoring sa mga fingerlings upang matiyak ang mataas na survival rate.
Bukod sa nasabing aktibidad, kamakailan ay namahagi rin ang ahensya ng higit 8,000 bangus fingerlings sa isang fish cage operators association sa Buguey, at mahigit 100,000 hito fingerlings naman sa mga inland fish farmers sa Isabela, Quirino, at Nueva Vizcaya.
Samantala, ang aktibidad na ito ay naglalayon na palakasin ang lokal na produksiyon ng isda at matulungan ang kabuhayan ng mga mangingisda sa pamamagitan ng mas mataas na kita.
📷BFAR R02
Source: CPIO




