19.2 C
Baguio City
Saturday, June 14, 2025
spot_img

Lokal na Pamahalaan ng Angeles City, nanguna sa Brigada Eskwela 2025

Upang masiguro ang kahandaan ng mga pampublikong paaralan sa nalalapit na pasukan, pinangunahan ni Angeles City Mayor Carmelo “Pogi” Lazatin, Jr., ang pagsisimula ng Brigada Eskwela 2025 nito lamang Hunyo 9, 2025 sa pamamagitan ng pagde-deploy ng apat na grupo na tututok sa pagsasaayos ng mga eskwelahan sa lungsod.

Itinalaga ni Mayor Lazatin si Jane Calimquim, mula sa Mayor’s Office upang pangunahan ang Brigada Eskwela sa Amsic Integrated School, isa sa mga pangunahing paaralan sa lungsod.

Bilang suporta sa mga aktibidad ng paglilinis at pagkukumpuni ng mga pasilidad, naglaan si Mayor Lazatin ng 40 litro ng pintura, apat na paint roller, at 25 bag ng semento para sa bawat isa sa 55 pampublikong paaralan sa Angeles City.

Ayon kay Mayor Lazatin, mahalagang maihanda ang mga silid-aralan at iba pang pasilidad ng paaralan upang matiyak ang kaligtasan at kaginhawaan ng mga mag-aaral at guro sa pagbubukas ng klase.

Ang Brigada Eskwela ay taunang programa ng Department of Education na layuning pagsama-samahin ang komunidad, mga magulang, guro, at lokal na pamahalaan sa paghahanda ng mga paaralan para sa darating na school year.

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
55SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles