17.2 C
Baguio City
Thursday, June 25, 2026
spot_img

Love Bag Project Outreach, idinaos sa Ifugao

Matagumpay na naisagawa ng SJS Batch 2007 ang Love Bag Project outreach program sa Maggok, Hungduan, Ifugao noong ika-7, 2025.

Tunay na nakakataba ng puso ang makita ang masasayang ngiti ng mga bata habang tinatanggap nila ang tulong—patunay na ang simpleng ambag ay may malaking epekto sa kanilang buhay.

Sa kabuuan, 52 katao ang nabigyan ng medikal na konsultasyon, 34 bata ang nakatanggap ng dental services, 15 ang tuli, 73 ang nakatanggap ng school supplies, at 30 bata ang nagkaroon ng libreng gupit.

Lubos ang aming pasasalamat sa lahat ng nakiisa—mga volunteer, medical at dental team, uniformed personnel, at mga katuwang na institusyon gaya ng Maggok Elementary School, BLGU Maggok, PHO-Ifugao, Hungduan MHO, 1st Ifugao PMFC, Hungduan MPS, at iba pa.

Layunin ng Love Bag Project na makapaghatid ng tulong sa mga kabataang nangangailangan sa pamamagitan ng serbisyong medikal, dental, at pamamahagi ng mga gamit pang-eskwela at pangkalinisan.

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
25,900FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles