22.2 C
Baguio City
Tuesday, October 22, 2024
spot_img

Model Tricycle Drivers ng Tuguegarao, binigyang pagkilala ng LGU Tuguegarao City

Binigyang pagkilala ng Tricycle Regulation Unit (TRU) ng Pamahalaang Panlungsod, ang nasa mahigit 80 na Model Tricycle Drivers ng Tuguegarao City sa isang seremonya na ginanap sa City Hall, nito lamang ika-18 ng Oktubre 2024.

Personal nilang tinanggap ang kanilang Certificate of Recognition at Cash Incentive mula sa Pamahalaang Panlungsod, bilang pagkilala sa kanilang katapatan sa pagsasauli ng mga naiwang gamit at pera ng kanilang mga pasahero.

Masayang pinuri ni City Mayor Maila Rosario S. Ting-Que ang mga tricycle drivers, dahil sa kanilang katapatan sa ginanap na pulong na dinaluhan nina TRU OIC Mariano Cabugos at mga opisyal ng FETODA, matapos ang awarding ceremony.

Ang nasabing pagkilala ay isang hakbangin ng LGU Tuguegarao City sa pagpapahalaga sa katapatan at mabuting asal ng mga tricycle drivers sa lungsod.

Source: Tuguegarao City Information Office

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles