Narekober ang isang loose firearm sa Mount Balitoc, Saclit, Sadanga, Mountain Province noong ika-16 ng Oktubre 2024.
Ang nasabing armas ay isang kalibre 22 na walang marka, serial number at bala. Ayon sa ulat, habang pauwi ang mga operatiba ng Mountain Province, may isang lalaki na nakaupo sa hindi kalayuan, nang napansin ang pulisya, agad itong tumakbo patungo sa Buscalan, Kalinga na nagresulta sa pagkakadiskubre ng kanyang loose firearm.
Ang narekober na armas ay resulta ng patuloy at puspusang pagsasagawa ng kampanya ng PNP kontra Loose firearm upang mapanatili ang katahimikan at kaayusan ng ating bayan.