16.5 C
Baguio City
Sunday, October 20, 2024
spot_img

Milo Under 13 Barangay Liga, inilunsad sa Narvacan, Ilocos Sur

Noong Oktubre 7, 2024 ay matagumpay na inilunsad ang Milo Under 13 Barangay Liga sa Narvacan sa ilalim ng pamumuno ni Mayor Pablito V. Sanidad. Layunin ng liga na hikayatin ang mga kabataan ng Narvacan na makilahok at ipakita ang kanilang galing sa sports, lalo na sa mga batang may edad na 13 pababa.

Ayon kay SB Member Jovenn Ampo Jr., ang liga ay hindi lamang isang kompetisyon kundi bahagi rin ng pagsasanay at pagbuo ng potensyal ng mga kabataan sa larangan ng sports.

Kasama ni Mayor Sanidad sa nasabing event sina SB Member Engr. Margarito Tejada, SB Member Jovenn Bernal Ampo Jr., SK Federation Chair Pamela Gasmen, at Coach Annong Clarin, na nagbigay suporta sa mga kabataan na nagpasimula ng kanilang sporting journey. Ang kaganapang ito ay nagsisilbing hakbang patungo sa mas masigla at aktibong komunidad.

Bukod sa pagpapabuti ng pisikal na kalusugan, ang nabanggit na liga ay mahalaga sa pagbibigay disiplina sa mga kabataan. Itinuturo sa kanila ang kahalagahan ng pagsisikap, dedikasyon at tamang pag-uugali upang maging matagumpay sa buhay.

Sinusuportahan ng nasabing aktibidad ang mga programa ng kasalukuyang administrasyon na bigyan ng alternatibong gawain ang mga kabataan upang maiwasan nilang masangkot sa mga krimen at paggamit ng ipinagbabawal na droga.

Source: Municipal Government of Narvacan, Ilocos Sur

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles