Benipisyaryo ng financial assistance ang 507 magsasaka mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) bilang bahagi ng programang pangsuporta sa sektor ng agrikultura nito lamang Lunes ika-8 ng Setyembre 2025 sa Magalang, Pampanga.
Sa ngalan nina Governor Lilia “Nanay” Pineda at Vice Governor Dennis “Delta” Pineda, pinangunahan nina 1st District Board Members Cherry Manalo at Christian Halili ang pamamahagi ng tig-₱3,000.00 ayuda, katuwang si Magalang Mayor Malu Lacson.


Ayon kay Mayor Lacson, higit 70% ng kabuuang lupaing sakop ng Magalang ay nakalaan sa agrikultura, dahilan kung bakit nananatili itong isa sa mga pangunahing tagapagtustos ng palay sa buong Pampanga.
Binigyang-diin ng alkalde na patuloy ang suporta ng Kapitolyo at LGU Magalang sa mga magsasaka bilang pagkilala at pasasalamat sa kanilang malaking ambag sa food security ng bansa.




