21.6 C
Baguio City
Monday, April 27, 2026
spot_img

Apayao PLGU Serbisyo Caravan, isinagawa

Isinagawa ng Pamahalaang Panlalawigan ng Apayao ang Serbisyo Caravan sa Barangay Upper Maton, Pudtol, Apayao noong ika-7 ng Setyembre 2025.

Batay sa ulat, ang aktibidad pinangunahan nina Governor Elias C. Bulut Jr. at Vice Governor Kyle Mariah Chelsea Bulut-Cunan, katuwang ang mga National Line Agencies at ang Pamahalaang Bayan ng Pudtol, Department of Agriculture, Department of Labor and Employment, Department of Health, Department of Social Welfare and Development, Technical Education and Skills Development Authority, at PhilHealth, na naglunsad ng Konsulta Package para sa mas pinalawak na access sa serbisyong medikal.

Bilang bahagi ng aktibidad, isinagawa rin ang groundbreaking ceremony para sa 250-metrong farm-to-market road na mag-uugnay sa mga sitio ng Lahgat, Marakrakka, at Labuangan. Kasabay ng implementasyon ng ASENG (Apayao Socio-Economic Efforts Necessary for Growth) ay ang pagpapatupad ng Project PAKKAL (Programang Alay sa Kalusugan at Kalakasan para sa Lahat), isang kolaboratibong programa kasama ang NLAs na nakatuon sa nutrisyon at pampublikong kalusugan. Kasama rin ang Project BUTSY (Bringing Universal Health Care Services Through Sustainable Program Implementation Leading to Resilient Apayao), na naglalayong magpadala ng mga health team sa mga komunidad na salat sa regular na serbisyong medikal.

Nasa lugar din ang Task Force LUSA, na handang mamagitan sa mga alitan sa lupa at iba pang may kinalamang sigalot, kasama ang iba pang serbisyo mula sa PGA.

Layunin ng Serbisyo Caravan na mailapit ang mga pangunahing serbisyo ng pamahalaan sa mga liblib na lugar, sa ilalim ng programang ASENG na nakatuon sa kalusugan, edukasyon, kabuhayan, at imprastruktura para sa patuloy na pag-unlad ng buong lalawigan.

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles