18.3 C
Baguio City
Sunday, May 17, 2026
spot_img

2nd Quarter PESO/JPO Meeting, matagumpay na idinaos sa Alaminos City

Matagumpay na idinaos ang 2nd Quarter PESO/JPO Meeting at Capacity Building Activity sa Proxy Plus by The Oriental Pangasinan, Lucap, Alaminos City sa pangunguna ni City Mayor Arth Bryan C. Celeste at PESO Manager Eleanor T. Bruno noon Hunyo 26, 2025.

Malugod na tinanggap ng lokal na pamahalaan ng Alaminos ang mga PESO Managers mula sa iba’t ibang bayan ng Kanlurang Pangasinan sa nasabing pagtitipon na layuning paigtingin ang mga programa para sa trabaho at kabataang empleyado.

“Napakahalaga ng PESO sa bawat lungsod dahil ito ang tumutulong na mapababa ang unemployment at mailapit ang mga oportunidad sa trabaho sa ating mga kababayan,” pahayag ni Mayor Arth Bryan C. Celeste sa kanyang pagbati sa mga dumalo.

Sa pagtutulungan ng PESO Alaminos at ng DOLE Western Pangasinan Field Office, tinalakay sa pagpupulong ang mga bagong updates hinggil sa mga inisyatibo para sa job facilitation at youth employment programs. Ang aktibidad ay naging daan upang mapalawak pa ang kaalaman at kapasidad ng mga PESO officers sa kanilang tungkulin bilang tagapaghatid ng serbisyo publiko sa larangan ng trabaho.

Ang pagpupulong ay naging produktibo at makabuluhan, na nagpatibay sa ugnayan ng mga lokal na PESO offices sa lalawigan at nagbigay inspirasyon sa patuloy na pagbibigay-serbisyo para sa mga nangangailangan ng trabaho.

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
25,700FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles