16.1 C
Baguio City
Tuesday, June 30, 2026
spot_img

Pamahalaang Panglungsod ng Tuguegarao City, handa sa banta ni Bagyong Crising

Naka-preposition na ang mga tauhan at kagamitan ng pamahalaang lungsod ng Tuguegarao ngayong Biyernes, Hulyo 18, 2025, bilang paghahanda sa posibleng epekto ng Bagyong Crising.

Ayon kay Dr. Roderick Ramirez, hepe ng City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO), nakaantabay na ang mga grupo sa mga cluster gaya ng Eastern, Centro, Northern at Western. Inihanda na rin ang mga kagamitan tulad ng Outboard Motor sa Linao East para sa mga posibleng operasyong pang-rescue sa oras ng pagbaha.

Pinangunahan ni City Mayor Maila Rosario S. Ting-Que ang pag-iikot sa iba’t ibang barangay upang personal na mamonitor ang lagay ng panahon at kahandaan ng mga ahensya ng lokal na pamahalaan. Katuwang sa preparasyon ang CDRRMO, Barangay Affairs Office (BAO), Philippine National Police (PNP), Bureau of Fire Protection (BFP), City Social Welfare and Development Office (CSWDO), at ang volunteer group na Kabalikat Civicom.

Patuloy na naka-alerto ang buong pwersa ng lungsod sa mga posibleng epekto ng bagyo. Nakahanda na ang mga rescue equipment at komunikasyon para sa mabilisang tugon sa mga emergency. Pinaalalahanan din ang mga barangay na maging aktibo sa pakikipag-ugnayan sa Command Center, lalo na kung may mga insidenteng kailangang tugunan agad.

Mananatiling nakaalerto ang pamahalaang lungsod ng Tuguegarao habang binabantayan ang galaw ng Bagyong Crising. Hinikayat ang publiko na manatiling kalmado ngunit mapagmatyag, sundin ang mga opisyal na abiso mula sa PAGASA at LGU, at agad mag-ulat ng anumang emergency upang agad itong matugunan.

Source: Tuguegarao PIO

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
25,900FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles