17.2 C
Baguio City
Wednesday, June 10, 2026
spot_img

Tuloy-tuloy na flood monitoring, isinasagawa sa Alaminos City

Patuloy ang isinasagawang flood monitoring ng Pamahalaang Lungsod ng Alaminos sa pangunguna ni Mylene Manalastas, at ng City Disaster Risk Reduction and Management Officer (CDRRMO), upang matiyak ang kaligtasan ng mga residente sa gitna ng banta ng masamang panahon at posibleng pagbaha ngayong araw, Hulyo 23, 2025.

Mahigpit na binabantayan ng CDRRMO ang mga low-lying at flood-prone areas sa lungsod, habang nagsasagawa rin sila ng inspeksyon at koordinasyon sa mga barangay. Kasabay nito, tuloy-tuloy ang pagbibigay ng paalala sa mga mamamayan na maging maingat, manatiling alerto, at laging nakaantabay sa mga opisyal na abiso mula sa lokal na pamahalaan.

Hinikayat ni Manalastas ang lahat na sundin ang mga safety advisory, ugaliing makinig sa radio, telebisyon at opisyal na social media page ng PAG-ASA, at makipag-ugnayan sa mga barangay officials upang maging handa sa anumang emergency.

Tiniyak ng lokal na pamahalaan na nakahanda ang kanilang mga tauhan at kagamitan para agad makaresponde sakaling magkaroon ng paglikas o iba pang insidenteng dulot ng pagbaha.

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
25,900FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles