17.2 C
Baguio City
Tuesday, June 30, 2026
spot_img

Pamamahagi ng libreng gamot, isinagawa ng LGU San Ildefonso

Namahagi ang mga tauhan ng lokal na pamahalaan ng San Ildefonso ng libreng gamot para sa mga residente na may sakit na diabetes at hypertension sa Barangay Nabaong Garlang, San Ildefonso, Bulacan nito lamang Martes, ika- 15 ng Hulyo 2025.

Ang naturang aktibidad ay pinamunuan ni Honorable Fernando “Gazo” S Galvez, Mayor ng San Ildefonso.

Ito ay bilang bahagi ng kanyang programa na Gamot Mo, Sagot Ko.

Labis ang pasasalamat ng mga benepisyaryo sa medikal na tulong na ipinaabot sa kanilang lugar.

Layunin ng programa na maibsan ang gastusin sa pagpapagamot at mabawasan ang pangamba ng bawat pamilya, upang magkaroon ng mas maayos, mas malusog, at mas magaan na pamumuhay ang lahat ng mamamayan ng San Ildefonso, Bulacan.

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
25,900FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles