Mahigit 700 bamboo propagules at 500 mahogany seedlings ang itinanim ng mga benepisyaryo ng I Love Cagayan River Movement Cash-for-Work Livelihood Program ng Pamahalaang Panlalawigan ng Cagayan sa bayan ng Camalaniugan kahapon Biyernes ika-22 ng Agosto 2025.
Pinangunahan ng Provincial Natural Resources and Environment Office (PNREO) ang nasabing tree growing activity katuwang ang mga benepisyaryo mula sa mga barangay ng Joaquin Dela Cruz, Dugo, Felipe Tuzon, Jurisdiction, at Gen. Batalla. Buong suporta rin ang ipinakita ng lokal na pamahalaan upang masiguro ang tagumpay ng programa.

Ang I Love Cagayan River Movement Cash-for-Work Livelihood Program ay isang hakbang ng PGC na matulungan ang mamamayan na kumita at magkaroon ng hanapbuhay sa pamamagitan ng pagtatanim at pangangalaga ng mga itinanim na mga puno at kawayan sa kanilang komunidad.
Samantala, layunin ng programa na mapanatili ang kalinisan at katatagan ng Cagayan River laban sa pagbaha at pagguho ng lupa. Isa itong konkretong hakbang ng pamahalaang panlalawigan upang maisulong ang sustainable livelihood kasabay ng pangangalaga sa kalikasan.
Source: PNREO Cagayan




