17.7 C
Baguio City
Thursday, July 2, 2026
spot_img

Bamboo for Greener Environment

Isinagawa ng Pamahalaang Panlalawigan ng Cagayan, sa pamamagitan ng Provincial Natural Resources and Environment Office (PNREO), ang isang malawakang Tree Growing Activity sa mga Barangay Cabayu at Nararagan, Ballesteros, kung saan mahigit 1,200 bamboo propagules ang sabayang itinanim noong ika-20 ng Agosto 2025.

Katuwang ng PNREO sa naturang aktibidad ang mga benepisyaryo ng I Love Cagayan River Movement Cash-for-Work Livelihood Program mula sa Barangay San Juan, Zitanga, Fugu, Cabayu, at Nararagan, na aktibong lumahok sa pagtatanim ng mga kawayan sa parehong petsa.

Ayon sa PNREO, pangunahing layunin ng pagtatanim na mabigyan ng dagdag na pagkakakitaan ang mga benepisyaryo, kasabay ng pagpapalawak ng kanilang kaalaman at kamalayan sa kahalagahan ng pangangalaga sa kapaligiran at likas-yaman.

Binigyang-diin din ng ahensya ang kahalagahan ng pagtatanim ng kawayan at iba pang puno lalo na sa mga gilid ng Ilog Cagayan at mga tributaryo nito, upang makatulong sa pangangalaga ng kalikasan at pagpapatatag ng kabuhayan ng mga mamamayan.

Source: Cagayan Provincial Information Office

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
25,900FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles