18.3 C
Baguio City
Tuesday, June 30, 2026
spot_img

Service Delivery Award, iginawad ng DSWD RO2 sa Tuguegarao City Government

Pinarangalan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) Region 02 ang Tuguegarao City Government bilang pagkilala sa mahusay at maayos na pagpapatupad ng Social Pension Program para sa mga senior citizens ng lungsod nito sa Tuguegarao City Hall nito lamang ika-17 ng Nobyembre, 2025.

Iginawad ang Service Delivery Award dahil sa dedikasyon, kahusayan, at mabilis na pagtugon ng mga kawani ng City Social Welfare and Development Office (CSWDO) sa pangunguna ni Mr. Melvin Perez.

Patunay rin ito ng people-centered at dekalidad na serbisyo na patuloy na ibinibigay ng CSWDO at ng Tuguegarao City Government sa pamumuno ni Mayor Maila Rosario S. Ting-Que. Sa pamamagitan ng patuloy na suporta at mahusay na pamamahala, higit pang napapalakas ang mga programang pangkalagayan ng mga Tuguegaraoeños.

Layunin ng pagkilalang ito na hikayatin ang patuloy na pagpapaigting ng mga proyektong magbibigay-proteksyon at suporta sa mga senior citizens, gayundin ang pagpapalakas ng ugnayan ng lokal na pamahalaan at DSWD sa paghahatid ng serbisyong tunay na may malasakit.Ang parangal ay nagsisilbing paalala na kapag sama-samang kumikilos ang pamahalaan at komunidad, mas napauunlad ang kalidad ng buhay ng bawat mamamayan.

Source: Tuguegarao PIO

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
25,900FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles