Sumailalim sa pagsasanay ang mahigit isang daang benepisyaryo ng Livelihood Assistance Grant Program (LAG) ng Provincial Government of Cagayan, sa pamamagitan ng Provincial Social Welfare Development Office (PSWDO), noong ika-18 Nobyembre, 2025 sa Sub-Capitol sa Bangag, Lal-lo, Cagayan.
Isinagawa ang Social Preparation and Orientation on Basic Business Management and Skills Development Training na isang mandatory requirement bago maibigay sa mga benepisyaryo ang pondong gagamitin nila para sa kanilang napiling negosyo.


Ang 105 na benepisyaryo mula sa vulnerable sectors ay kinabibilangan ng mga kababaihan, out-of-school youth, nakatatanda, solo parents, at persons with disabilities (PWDs) at nagmula sa mga bayan ng Lal-lo, Aparri, Gattaran, Camalaniugan, at Alcala ang mga kalahok sa pagsasanay.
Samantala ang LAG program ng PGC ay naglalayong magbigay ng oportunidad sa mga disadvantage o vulnerable sectors upang magkaroon sila ng panimulang puhunan para sa kanilang kabuhayan. Isa ito sa mga hangarin ni Gobernador Edgar “Manong Egay” Aglipay na mabigyan ng trabaho at kalinga ang nasabing sektor.

Ayon kay Brenda Simon, focal person ng programa, napapanahon ang implementasyon ng LAG upang matulungan ang mga sektor na higit na nangangailangan at mabigyan sila ng pangmatagalang mapagkakakitaan.
📸: PSWDO




