18.3 C
Baguio City
Wednesday, June 24, 2026
spot_img

Road Clearing Operation, isinagawa sa Pilar, Bataan

Isinagawa ang operasyon ng kalinisan at kaayusan ng kalsada ang isinagawa sa mga Barangay Pantingan, Liyang, Diwa at Nagwaling, bayan ng Pilar, Bataan nito lamang Huwebes, ika-25 ng Setyembre 2025.

Pinangunahan ito ng mga tauhan ng Pilar Municipal Police Station katuwang ang Pilar Motorcycle Patrol sa pangunguna ng Department of the Interior and Local Government (DILG) kasama ang Bureau of Fire Protection (BFP), Lokal na Pamahalaan at mga opisyal ng barangay.

Layunin ng naturang aktibidad na tiyakin ang kaligtasan at kaginhawaan ng publiko sa pamamagitan ng pagtanggal ng mga iligal na istruktura, nakaparadang sasakyan, at iba pang sagabal sa mga lansangan at bangketa.

Binigyang-diin ng mga kasapi ng kapulisan at katuwang na ahensya ang kahalagahan ng maayos na kalsada bilang susi sa ligtas na paglalakbay, mabilis na pagresponde sa emergency, at maluwag na daloy ng trapiko.

Ang pagtutulungan ng PNP, DILG, BFP, LGU at barangay officials ay malinaw na patunay ng kanilang malasakit at aktibong pakikilahok upang mapanatiling ligtas, maayos, at accessible ang mga kalsada para sa lahat ng mamamayan ng Pilar.

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
25,900FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles