17.2 C
Baguio City
Wednesday, June 24, 2026
spot_img

Orientation on Disaster Preparedness, isinagawa

Patuloy ang pagpapalakas ng kahandaan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Tarlac para sa mga sektor na kabilang sa vulnerable groups sa pamamagitan ng isinagawang Orientation on Disaster Preparedness sa Events Center ng SM City-Tarlac nito lamang Linggo, ika-28 ng Setyembre 2025.

Pinangunahan ang aktibidad ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) sa pamumuno ni Marvin Guiang, katuwang ang Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO) at SM City-Tarlac.

Layon ng oryentasyon na maibahagi ang mahahalagang kaalaman, mapaigting ang kamalayan, at mapalakas ang kahandaan ng kabataan at Persons with Disabilities (PWDs) tuwing may nagaganap na kalamidad o emergency.

Bahagi rin ito ng serye ng mga programa ng PDRRMO bilang paggunita sa kanilang pagkaka-institusyonalisa bilang isang departamento ng Pamahalaang Panlalawigan ng Tarlac, alinsunod sa Sangguniang Panlalawigan Ordinance No. 004-2024 na naisabatas noong Setyembre 26, 2024.

Sa pamamagitan ng naturang aktibidad, ipinapakita ng Pamahalaang Panlalawigan ng Tarlac ang kanilang patuloy na malasakit at pagtutok sa kaligtasan at kapakanan ng bawat Tarlakenyo.

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
25,900FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles