17.7 C
Baguio City
Tuesday, May 12, 2026
spot_img

Maysa a mapapati a kameng ti Patil-ai Termite Gang, naaresto

Naaresto ang isang hinihinalang miyembro ng Patil-ai Termite Gang, isang bagong kinilalang robbery group na umano’y nag-ooperate sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Kinilala ang suspek bilang isang 44-anyos na lalaki at residente ng Danabungan, Besao, Mountain Province na nahuli sa bisa ng warrant of arrest habang nasa loob ng isang ospital sa Bauko, Mountain Province.

Nakalista ang suspek bilang Number 9 Top Most Wanted Person ng Bohol Police Provincial Office at Top 5 Most Wanted Person sa municipal level ng Tagbilaran City Police Station para sa ikalawang quarter ng taong 2026.

Ang warrant of arrest ay inilabas noong Marso 2026 ng presiding judge ng Regional Trial Court, 7th Judicial Region, Branch 2 sa Tagbilaran City, Bohol kaugnay ng kasong robbery na may inirekomendang piyansang ₱100,000.

Sa pinakahuling ulat ng pulisya, pansamantalang nakadetine ang suspek sa BCPO Police Station 7.

Matagumpay na naisagawa ang pag-aresto sa pamamagitan ng pinagsanib na operasyon ng BCPO Police Station 7 bilang lead unit, katuwang ang CIDMU, CIU, RIU-14 Mountain Province PIT, Bohol PPO, at Tagbilaran CPS.

Source: Bombo Radyo Baguio

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles