Matagumpay na naisagawa ang isang family planning mission para sa mga Maloleño na nagbigay ng libreng Bilateral Tubal Ligation (BTL) at Non-Scalpel Vasectomy (NSV) sa Malolos City, Bulacan nito lamang Biyernes, ika-13 ng Hunyo, 2025.
Ang inisyatibong ito ay naisakatuparan sa pakikipagtulungan ng DKT Foundation at Malolos City Health Office, sa ilalim ng pamumuno ni Mayor Christian Natividad.
Umabot sa 28 kababaihan ang sumailalim sa Bilateral Tubal Ligation (BTL) at 4 na kalalakihan naman ang nabigyan ng Non-Scalpel Vasectomy (NSV) bilang bahagi ng libreng serbisyong handog ng programa na taos-pusong ipinagpapasalamat ng mga benepisyaryo.
Layunin ng programang ito na bigyan ang mga pamilya ng tamang impormasyon, malayang pagpili, at access sa reproductive health care.
Ayon sa pamahalaang lungsod, ito ay isang hakbang patungo sa mas malusog at mas responsableng komunidad.






