24.7 C
Baguio City
Sunday, May 17, 2026
spot_img

Higit 300 bamboo propagules, itinanim ng PGC sa bayan ng Amulung

Sabayang itinanim ang mahigit 350 bamboo propagules sa isinagawang Tree Growing Activity ng Pamahalaang Panlalawigan ng Cagayan o Provincial Government of Cagayan (PGC) sa Barangay Dugayung, Amulung, Cagayan noong ika-27 ng Hunyo 2025.

Ito ay pinangunahan ng Provincial Natural Resources and Environment Office (PNREO), kasama ang Lokal na Pamahalaan ng Amulung sa pangunguna ni Mayor Elpidio Rendon, bilang bahagi ng nagpapatuloy na selebrasyon ng 442nd Aggao Nac Cagayan.

Kaugnay rito, lubos na nagpasalamat si Mayor Elpidio Rendon sa inisyatibo ng PGC sa pangunguna ni dating Governor Manuel Mamba na nakatuon sa pangangalaga sa kalikasan.

Ayon kay Mayor Rendon, ang tree growing activity ay napakahalagang isagawa lalo na sa bayan ng Amulung na isa sa mga madalas makaranas ng pagbaha at pagguho ng lupa dulot ng mga kalamidad, malaking tulong umano ang inisyatibong ito ni Gov. Mamba upang maibsan ang nararanasang pagbaha at pagguho ng lupa sa naturang bayan.

Ang tree growing ay bahagi rin ng adbokasiya ni Gov. Mamba na ‘I Love Cagayan River Movement’ na may layuning isaayos at muling maibalik ang ganda ng Ilog Cagayan sa pamamagitan ng pagtatanim ng mga puno at bamboo propagules.

Source: Cagayan Provincial Information Office

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
25,700FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles