17.2 C
Baguio City
Thursday, June 25, 2026
spot_img

DSWD FO2, nagsagawa ng Nutrition Education Session sa Isabela

Nagsagawa ang DSWD Field Office 02 ng Nutrition Education Session (NES) para sa mga benepisyaryo ng Walang Gutom Program sa mga bayan ng Naguilian, Lungsod ng Santiago, at Angadanan, Isabela kahapon, ika-11 ng Hunyo, 2025.

Layunin ng aktibidad na bigyang kaalaman ang bawat pamilya ukol sa tamang nutrisyon, meal planning, at masustansiyang gawi sa pagkain upang mapabuti ang kalusugan sa bawat miyembro ng pamilya.

Ang hakbang na ito ay bahagi ng mas malawak na layunin ng programa na hindi lamang magbigay ng agarang tulong kundi maghatid ng pangmatagalang solusyon sa kagutuman sa pamamagitan ng edukasyon at empowerment.

Bahagi rin ng programa na hikayatin ang mga kalahok na isabuhay ang kanilang mga natutunan upang mapabuti ang kalusugan ng kanilang pamilya at makabuo ng mas malusog at matatag na komunidad.

Source: DSWD Region II

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
25,900FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles