17.7 C
Baguio City
Tuesday, May 12, 2026
spot_img

DOH-CHD Region 1, pinangunahan ang pagdiriwang ng Breastfeeding Month sa La Union

Pinangunahan ng Department of Health – Center for Health Development (DOH-CHD) Region 1 ang pagdiriwang ng Breastfeeding Month na may temang “Prioritize Breastfeeding: Create Sustainable Support Systems” sa San Juan Gym, San Juan, La Union noong Agosto 28, 2025.

Mahigit 300 na mga ina at kanilang mga sanggol mula sa iba’t ibang bayan sa La Union ang nakiisa sa aktibidad bilang suporta sa adbokasiya ng DOH para sa kalusugan ng mga bata at kababaihan.

Binigyang-diin sa pagdiriwang na ang pagpapasuso ay isa sa pinakamadali ngunit pinakamabisang paraan upang mabigyan ang bawat bata ng pinakamainam na simula sa buhay. Ito ay nakatutulong upang maiwasan ang malnutrisyon, mapangalagaan ang wastong paglaki, at maprotektahan din ang kalusugan ng mga ina.

Kasama ang pamilya, mga komunidad at mga lokal na lider, ipinahayag ng DOH-CHD Region 1 ang kanilang pangako na itaguyod ang eksklusibong pagpapasuso sa unang anim na buwan ng sanggol, suportahan ang pagpapatuloy ng breastfeeding hanggang dalawang taon pataas, at magtatag ng kultura na nagbibigay-proteksyon at nagpapalakas ng loob sa mga ina.

Bilang pasasalamat, nakatanggap ang mga kalahok ng hygiene kits upang makatulong sa kanilang pang-araw-araw na pangangalaga sa kalusugan.

Sa huli, nanawagan ang ahensya na suportahan ang First 1,000 Days of Life, kung saan pinakamahalaga ang nutrisyon at pangangalaga sa sanggol.

Source: DOH Ilocos Region

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles