16.1 C
Baguio City
Thursday, June 25, 2026
spot_img

DSWD-Cordillera, puspusan sa pagtulong sa mga apektado ng kalamidad

Matinding sigasig ang ipinamalas ng Department of Social Welfare and Development – Cordillera (DSWD-CAR) sa pagtugon sa mga naapektuhan ng kalamidad sa Benguet at Lungsod ng Baguio nito lamang ika-28 ng Hulyo 2025.

Batay sa DSWD-CAR, umabot na sa mahigit ₱8.6 milyon ang naipamigay na tulong, kung saan ₱6.9 milyon ay mula sa ahensya at ang nalalabi ay galing sa LGUs, NGOs, at iba pang katuwang na institusyon.

Matapos bahain ang Strawberry Farm sa La Trinidad, Benguet, agad na nagpaabot ng relief assistance at family food packs ang DSWD-CAR sa mga pamilyang apektado ng pagbaha, pagguho ng lupa, at landslide na dulot ng sunod-sunod na bagyong Crising, Dante, Emong, at habagat.

Pinangunahan ni Regional Director Maria A. Catbagan-Aplaten, ang pagbibigay ng psychosocial first aid sa mga pamilyang apektado ng pagguho sa Outlook Drive, Baguio City.

Tinatayang 14,493 pamilya o 51,343 katao mula sa 294 barangay sa buong Cordillera ang naapektuhan.

Sa bilang na ito, 106 pamilya ang nasa evacuation centers, habang ang iba ay nakikituloy sa mga kaanak. Naitalang 45 ang bahagyang nasira at 18 ang tuluyang nawasak na kabahayan. Upang matiyak ang tuloy-tuloy na ayuda, may nakahanda nang ₱91.3 milyon halaga ng stockpile at standby funds, kabilang ang 64,088 family food packs na naka-preposition sa mga satellite warehouse at LGUs.

Katuwang ang Department of Tourism–CAR, namahagi rin ang DSWD ng tulong sa mga tour guides sa Ifugao at Sagada na nawalan ng kabuhayan dahil sa pagkansela ng tourism activities.

Patuloy ang mahigpit na koordinasyon ng DSWD-CAR sa mga LGU at iba pang ahensya upang matiyak ang mabilis at epektibong pagtugon sa mga nangangailangan sa rehiyon.

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
25,900FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles