16.6 C
Baguio City
Monday, June 29, 2026
spot_img

Araw ng Pagbasa, masayang ipinagdiwang sa Victoria Elementary School

Sa kabila ng maulang umaga, masiglang ipinagdiwang ng Victoria Elementary School ang Araw ng Pagbasa noong Hulyo 10, 2025 sa Victoria, Alaminos City, Pangasinan.

Tampok sa programa ang reading session, kantahan, sayawan, puppet show, at story-telling na kinagiliwan ng mga mag-aaral.

Ang selebrasyon ay bahagi ng programa ng Pamahalaang Lungsod ng Alaminos sa pamumuno ni Mayor Arth Bryan Celeste, katuwang ang Alaminos City Library sa pamumuno ni CGDH-I Virgie E. Aquino.

Layunin ng aktibidad na hikayatin ang mga bata na mahalin ang pagbabasa at mapalawak ang kanilang pang-unawa bilang hakbang sa pagpapabuti ng kanilang pagganap sa paaralan.

Source: LGU-Alaminos City, Pangasinan

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
25,900FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles