Nasungkit ng anak ng magsasaka mula sa Besao, Mountain Province ang Top 6 sa pagtatapos ng Public Safety Academy “MadayawLahi” Class 2025 sa Camp Aguinaldo, Quezon City nito lamang ika-9 ng Hulyo 2025.
Kinilala si Jail Cadet Efraim W. Parocha, tubong Besao, at anak ng magsasaka, na nangarap at nagpursige upang makamit ang top 6 mula sa 67 na miyembro ng MadayawLahi Class 2025.
Samantala, mula sa 67 na nagtapos ng Public Safety Academy, 30 ang nakatalagang manilbihan sa Bureau of Jail and Penology habang 37 naman ang manilbihan bilang opisyal ng Bureau of Fire Protection.
Ang tagumpay ni Efraim, ay nagbigay inspirasyon at patunay na sa bawat pangarap ay maaaring matupad kapag sinamahan ng sikap at determinasyon.
Ang bawat kwento ng tagumpay ng mga nagsipagtapos na kadete ay hinubog ng disiplina mula sa mga mahigpit na pagsasanay na napalawak sa kanilang kahusayan at natatanging kakayahan, at nagpapatunay na handang tumanggap ng mas malalaking responsibilidad bilang mga opisyal ng pampublikong seguridad sa Bagong Pilipinas.




