16.1 C
Baguio City
Monday, April 27, 2026
spot_img

Apat na dating rebelde, sumailalim sa oryentasyon sa Carabao Raising

Sumailalim ang apat na dating rebelde sa oryentasyon tungkol sa tamang pag-aalaga ng kalabaw nitong Martes, Setyembre 9, 2025 sa Brgy. Bangag, Lal-lo, Cagayan.

Pinangunahan ang aktibidad ng Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO) kung saan itinuro ang wastong pagpapakain, kalinisan, at pangangalaga sa kalusugan ng mga alagang kalabaw.

Ayon sa PSWDO, makatutulong ang proyektong ito upang magkaroon ng matatag na hanapbuhay ang mga dating rebelde at makabalik nang maayos sa lipunan.

Nagpasalamat naman ang mga kalahok sa pamahalaan sa pagbibigay ng pagkakataong makapagsimula muli at tuluyang talikuran ang kanilang nakaraan.

Tiniyak ng lokal na pamahalaan at PSWDO ang kanilang suporta upang tuloy-tuloy na matulungan ang mga dating rebelde at maging huwaran para sa isang Bagong Pilipinas.

Source: Cagayan Public Information Office

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles