13.9 C
Baguio City
Sunday, November 24, 2024
spot_img

7 Pamilyang nasunugan, nakatanggap ng agarang tulong

Nakatanggap ng tulong mula sa Department of Social and Welfare Development (DSWD) Field Office 1 ang pitong pamilyang naapektuhan sa sumiklab na sunog kung saan apat na pamilya rito ang walang naisalbang gamit at idineklarang totally damage ang kanilang bahay noong ika-9 ng Pebrero 2024.

Agad namang umaksyon ang Local Government Unit ng San Fernando City, La Union na agarang nagbigay ng pangunahing pangangailangan ng apat na pamilyang kasalukuyang nasa evacuation area ng barangay.

Personal namang binisita at nagsagawa ng psychological first aid ang DSWD Field Office 1 staff sa mga apektadong pamilya.

Nagpaalala naman ang lokal na pamahalaan na dapat nilang alamin ang mga listahan ng emergency hotlines sa kanilang lugar upang agad na makahingi ng tulong.

Ang mga ahensya ng gobyerno ay laging nakahandang magbigay ng kaukulang tulong sa ating mga kababayan na apektado ng anumang hindi inaasahang sakuna.

Source: DSWD Field Office 1

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles