Sumailalim sa libreng minor surgery ang dalawang residente ng Angeles City, Pampanga sa Puso Center Clinic, Angeles City, Pampanga nito lamang ika-7 ng Pebrero 2024.
Ang libreng operasyon ay kabilang sa programa ni Mayor Carmelo “Pogi” Lazatin Jr. katuwang ang Puso Center Clinic sa pamumuno ni Reina Manuel, Executive Assistant IV.
Bukod pa rito ay nakatanggap din ng libreng gamot ang mga pasyente mula sa pamahalaan ng Angeles City upang makatulong sa kanilang agarang paggaling.
Lubos naman ang pasasalamat ng dalawang benepisyaryo sa handog sa kanila dahil bukod sa naibsan ang kanilang sakit na nararamdaman ay wala na rin silang inaalalang bayarin.
Patuloy naman ang pamahalaan ng Angeles City sa pagbibigay ng mga serbisyo upang lahat ng pangangailangan ng mga mamamayan sa kanilang nasasakupan ay matugunan lalo na sa usaping kalusugan na siyang isa sa mga layunin ng kasalukuyang administrasyon.