Tiklo ng mga operatiba ng Obando Municipal Police Station ang Top 2 Most Wanted Person Municipal Level sa ikinasang operasyon sa Brgy. Binuangan, Obando, Bulacan noong Setyembre 29, 2026.
Kinilala ang suspek na si alias “Reg”, 45 anyos, may-asawa, mangingisda, at residente ng Purok 2, Brgy. Binuangan, Obando, Bulacan na dinakip sa paglabag sa Republic Act No. 7610, Section 5(b), in relation to Lascivious Conduct na may inirekomendang piyansa na aabot sa Php 400,000.00.
Solido ang Obando PNP sa pagpapanatili ng kaayusan at katahimikan sa pamayanan sa tulong ng mamamayan tungo sa pagkamit ng kaunlaran.




