Tiklo ang tinaguriang Top 10 Most Wanted Person City Level sa ikinasang operasyon ng mga otoridad sa
Brgy. San Manuel, City of San Jose Del Monte, Bulacan noong Setyembre 29, 2026.
Kinilala ang suspek na si alias “Carl”, 31 anyos, residente ng Pleasant Hills Subdivision, Brgy. San Manuel, City of San Jose Del Monte, Bulacan na inaresto sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong Statutory Rape under Article 266-A (1) in relation to Article 266-B of the Revised Penal Code sa ilalim Criminal Case No. 268-SJDM-2026 na walang inirekomendang piyansa.
Patuloy ang Bulacan PNP sa paghuli sa mga taong may sala sa batas at ilagay sa likod ng rehas.




