21.1 C
Baguio City
Tuesday, June 30, 2026
spot_img

265 Kataong apektado ng pagbaha sa Tuao, Cagayan, nakatanggap ng cash assistance mula sa DSWD FO2

Umabot sa 265 benepisyaryo mula sa Barangay Barancuag ang nakatanggap ng tulong pinansyal mula sa Emergency Cash Transfer (ECT) ng DSWD Field Office II bilang bahagi ng patuloy na pagtugon sa mga naapektuhan ng nagdaang kalamidad.

Isinagawa ang payout noong ika-12 ng December 2025, na pinangunahan ni DSWD FO2 Regional Director Lucia Suyu kung saan nasa 18 pamilyang idineklarang totally damaged ang tumanggap ng ₱10,125 bawat isa, habang 247 pamilyang partially damaged naman ang nakatanggap ng ₱5,250 bawat isa.

Ang naturang cash assistance ay inaasahang makatutulong sa agarang pangangailangan ng mga residente habang unti-unti nilang inaayos at muling itinatayo ang kanilang kabuhayan at mga tahanan.

Sa kasalukuyan, makikita sa lugar ang mga DSWD tents na nagsisilbing pansamantalang tirahan ng mga apektadong pamilya. Tiniyak naman ng LGU na patuloy silang naghahanap ng mas ligtas na resettlement area upang mailipat at mabigyan ng mas maayos at ligtas na paninirahan ang mga residente.

Ang pamamahagi ng cash assistance ay alinsunod sa direktiba nina Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at DSWD Secretary Rex Gatchalian na nagbibigay-diin sa agarang paghahatid ng tulong sa mga komunidad na lubhang nangangailangan.

Source: DSWD R2

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
25,900FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles