Sa pangunguna ni Provincial Natural Resources and Environment Office (PNREO) Head Atty. Leonard Beltran, isinagawa ang 4th Quarter Cagayan Anti-Illegal Logging Task Force (CAILTF) meeting sa Narra Hall ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) Regional Office 2 , Carig Sur, Tuguegarao City kahapon, Disyembre 11, 2025.
Kasama din sa pagpupulong ang mga kawani mula sa Provincial Environment and Natural Resources Office (PENRO), Municipal Environment and Natural Resources Office (PENRO), Cagayan Police Provincial Office (CPPO), at iba pang linyang ahensiya.

Sa naturang pagpupulong, tinalakay ang pagsasaayos ng Memorandum of Agreement sa pagitan ng ahensiyang kasapi sa CAILTF kung saan isasama na ang mga MENRO upang mas matutukan at mapaigting ang pangangalaga sa kalikasan, gayundin ang panghuhuli sa mga nagsasagawa ng iligal na pangangahoy.
Iprinisinta rin sa naturang pagpupulong ang datos ng mga nakumpiskang kahoy mula sa mga illegal logger gayundin ang mga kasong nakabinbin dahil sa paglabag Forestry Code of the Philippines sa o ang Presidential Decree No. 705.
Sa pagtatapos ng aktibidad, inaasahan ang kooperasyon ng bawat ahensyang kasapi sa CAILTF upang mapanagot ang mga nasa likod ng mga iligal na pangangahoy at mapangalagaan ang kalikasan.
Source: Cagayan PIO




