Tuluy-tuloy ang pagbababa ng Pamahalaang Panlalawigan ng Cagayan ng Livelihood Assistance sa pamamagitan ng “I Love Cagayan River Movement Cash-for-Work Program”, na pinamumunuan ni Gobernador Edgar Aglipay, para sa mahigit 370 benepisyaryo sa bayan ng Solana at Enrile, Cagayan noong ika-8 ng Disyembre 2025.
Napagkalooban ang mga benepisyaryo ng tig-₱2,125 sa isinagawang payout ng Provincial Natural Resources and Environment Office (PNREO) ng PGC katuwang ang mga kawani mula sa Provincial Office for People Empowerment (POPE), kawani mula sa Lokal na Pamahalaan ng Solana at Enrile.

Sa mensahe ni Gobernador Aglipay, ibinahagi nito ang ginagawang hakbang ng kanyang administrasyon upang makamit ang inaasam na pag-unlad at magandang buhay para sa bawa’t mamamayang Cagayano.

Ang “I Love Cagayan River Movement Cash-for-Work Livelihood Program” ay isang programa ng Pamahalaang Panlalawigan ng Cagayan na sinimulan sa ilalim ng pamumuno ng administrasyon ni Bise Gobernador Manuel Mamba.
Layunin ng programa na paigtingin ang pangangalaga sa kalikasan at patuloy na magbigay tulong sa bawa’t mamamayang Cagayano.
Source: Cagayan Provincial Information Office




