21.1 C
Baguio City
Tuesday, June 30, 2026
spot_img

Mr. Gilbert Chan, pinarangalan bilang Regional Outstanding Volunteer; 2nd Cagayan PMFC, ipinaabot ang taos-pusong pagbati

Ipinagmamalaki ng 2nd Cagayan Provincial Mobile Force Company (PMFC) ang pagkilala kay Mr. Gilbert Ryan C. Chan, Vice President for Internal Affairs ng Company Advisory Group, bilang Regional Outstanding Volunteer Awardee sa Individual Adult Category, na iginawad sa ilalim ng 2025 Search for Outstanding Volunteers ng Regional Development noong Disyembre 9, 2025 sa Provincial Capitol ng Cagayan sa Tuguegarao City.

Kinilala si Mr. Chan dahil sa kanyang natatanging dedikasyon, mahusay na performance, at makabuluhang kontribusyon sa pagpapalakas ng mga komunidad at pagpapaunlad ng volunteerism sa buong lalawigan. Ang kanyang walang sawang paglilingkod ay patuloy na nagbibigay-inspirasyon hindi lamang sa mga tauhan ng 2nd Cagayan PMFC, kundi pati na rin sa mga mamamayang kanilang pinaglilingkuran.

Dumalo rin sa seremonya si PMaj Jefferson D. Mukay, Acting Force Commander ng 2nd Cagayan PMFC, na nagsilbing opisyal na nominator ni Mr. Chan. Ipinahayag ng yunit ang kanilang buong suporta at paghanga sa natatanging ambag ni Mr. Chan sa pagpapatibay ng ugnayan sa pagitan ng kapulisan at pamayanan.

Bukod sa regional award, isang malaking karangalan din ang pagkakapili kay Mr. Chan bilang National Champion para sa 2025 National Outstanding Volunteer Awards—isang pambihira at prestihiyosong parangal. Tatanggapin niya ang nasabing pagkilala sa darating na Disyembre 16 sa Maynila, kasama ang iba pang natatanging volunteers mula sa iba’t ibang panig ng bansa.

Ipinapaabot ng 2nd Cagayan PMFC ang kanilang taos-pusong pagbati kay Mr. Gilbert Ryan C. Chan. Ang kanyang tagumpay sa regional at national level ay sumasalamin sa tunay na diwa ng paglilingkod-bayan, boluntarismo, at matibay na pakikipagtulungan—mga haliging patuloy na nagpapalakas sa kanilang layuning mapaglingkuran ang sambayanan.

Source: 2nd Cagayan PMFC

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
25,900FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles