Tiniyak ni Governor James Edduba ang buong suporta ng pamahalaang panlalawigan ng Kalinga para sa mga naligaw ang landas na dating mga rebelde.
Ayon kay Gov. Edduba, tinaasan ang pondo para sa 2026 livelihood programs upang matiyak ang tuloy-tuloy na suporta para sa mga nagbalik-loob.
Patuloy ang koordinasyon ng PLGU sa DSWD at PSWDO upang mabantayan at mabigyan ng kabuhayan ang mga former rebels, at masigurong hindi sila mapabayaan. Ito ang nakikita niyang isang paraan upang mahikayat ang mga natitira pang CTG members na sumuko na.
Dagdag ng gobernador, napakahalaga ang pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan dahil ang pag-unlad ng Kalinga ay bunga ng epektibong peace and order initiatives.
Samantala, pinuri at hinikayat niya ang tuloy-tuloy na pagtutulungan ng Philippine Army, PNP, at iba pang uniformed personnel upang mapanatili ang kaayusan sa lalawigan.
Source: Radyo Pilipinas 837 Tabuk




