21.1 C
Baguio City
Tuesday, June 30, 2026
spot_img

Shared Service Facility on Café operations, ipinagkaloob ng DTI sa CTCKapI

Pormal nang ipinagkaloob ng Department of Trade and Industry (DTI)-Kalinga ang isang Shared Service Facility (SSF) on café operations para sa Chamber of Tabuk City Kalinga Producers Inc. (CTCKapI), sa pamamagitan ng isang seremonya na isinagawa noong ika-3 ng Disyembre 2025 sa Kalinga Pasalubong Center, Malalao, Tabuk City. Kasabay ng seremonya ay ang pagbubukas din ng coffee shop.

Ang launching ceremony ay pinangunahan ni DTI-Kalinga Provincial Director Renie Ramos, kasama ang CTCKapI members. Dumalo rin sina Mr. Albert Gayaman na kumatawan kay Governor James Edduba, TESDA-Kalinga OIC Provincial Director Florence Jose, media at iba pang stakeholders.

Mga kagamitang nagkakahalaga ng 1.2 million pesos ang ipinasakamay ng DTI-Kalinga para sa naturang asosasyon sa ilalim ng SSF program upang makatulong sa pagtatayo ng coffee shop, at bilang bahagi ng patuloy na pagsuporta ng DTI sa pagpapalakas ng industriya ng kape sa lalawigan.

Samantala, bahagi ng seremonya ang paglagda ng kasunduan sa pagitan ng DTI at CTCKapI, bilang pahintulot sa paggamit ng pasilidad sa loob ng dalawang taon na magiging batayan para sa pag-endorso ng transfer of ownership.

Bukas ang Kapiyaan Kalinga Kapeterya” mula 9:00 AM hanggang 6:00 PM.

Source: Radyo Pilipinas 837 Tabuk

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
25,900FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles