18.3 C
Baguio City
Tuesday, June 30, 2026
spot_img

Para sa bayan, kaligtasan ng mamamayan ay babantayan!

Kung sakripisyo para sa ikabubuti ng nakararami ang pag-uusapan, karapat-dapat lang na ipagmalaki ang mga sandigan ng bayan. Sila ang ating mga alagad ng batas na handang magsakripisyo nang walang pag-aalinlangan. Araw man o gabi, umaraw man o umulan, nariyan sila parati para boses ng mamamayan ay nakatitiyak na pakikinggan.

Sa katatapos lang na pagtitipon, hindi maikukubli ang ginawang sakripisyo ng ating mga kapulisan kung ang kapalit lang ay kaligtasan at kapayapaan ng bayan. Hinarap nila ang tungkulin nang may disiplina, prinsipyo, at propesyonalismo upang ang mga kapwa Pilipino ay makapaghayag ng mga hinanaing sa gobyerno nang walang pagkukunwari.

Nanatiling matatag ang Pambansang Pulisya sa kanilang adhikaing protektahan ang bawat Pilipino, bata man o matanda. Sa kanilang mga proactive at strategic pre-deployment activities, naisakatuparan nila ang pagpapaigting ng seguridad at kapayapaan para sa isang matagumpay at maayos na demonstrasyon.

Ipinakikita ng ating mga kapulisan sa katatapos na “Rally for Transparency and a Better Democracy” ang kahalagahan ng paghahanda, at pagiging disiplinado. Limitado man ang pahinga, hatid pa rin ng Bagong PNP sa Bagong Pilipinas ay serbisyong mabilis, tapat, at nararamdaman.

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
25,900FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles