Bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng National Day of Charity, nagsagawa ang Pamahalaang Bayan ng Morong ng isang feeding program sa Sitio Dose at Sitio Makato, Barangay Mabayo, Morong, Bataan nito lamang Sabado, ika-25 ng Oktubre 2025.
Pinangunahan ang naturang aktibidad ni Punongbayan Leila G. Linao-Muñoz, katuwang ang Pangalawang Punongbayan Chermaine L. Garcia-Sibug, MD, at mga kasapi ng Sangguniang Bayan. Labis ang pasasalamat ng mga residente, partikular ng mga bata at nakatatanda, sa ipinamalas na malasakit at pagtulong ng lokal na pamahalaan.


Layunin ng nasabing aktibidad na maipadama ang malasakit ng pamahalaan sa mga mamamayan, lalo na sa mga sektor na higit na nangangailangan, sa pamamagitan ng pagbibigay ng simpleng tulong at pag-asa sa komunidad.
Patuloy na magsasagawa ang Pamahalaang Bayan ng Morong ng mga ganitong programa bilang bahagi ng kanilang adbokasiyang itaguyod ang kabutihan, kalusugan, at kapakanan ng bawat Morongeño.






