17.7 C
Baguio City
Wednesday, July 1, 2026
spot_img

150 pasyente, benipisyaryo ng Eye Care Program ng Pamahalaang Panlalawigan ng Aurora

Patuloy ang malasakit ng Pamahalaang Panlalawigan ng Aurora sa pamumuno ni Governor Isidro P. Galban sa pamamagitan ng Eye Care Program, kung saan 150 pasyente ang nabigyan ng libreng konsultasyon sa mata sa SP Hall, Capitol Building, Barangay Suklayin, Baler nito lamang Oktubre 14, 2025.

Pinangunahan ni Dr. Sherwin Hernandez, ang naturang programa kasama ang kanyang team.

Bukod sa libreng check-up, nagbahagi rin ng mga kaalaman sa wastong pangangalaga ng mata upang maiwasan ang mga sakit gaya ng katarata at glaucoma.

Tiniyak naman ni Governor Galban, ang tuloy-tuloy na pagpapaunlad ng mga programang medikal ng lalawigan at hinikayat ang mga mamamayan na huwag mag-atubiling lumapit sa pamahalaan para sa kanilang mga pangangailangang pangkalusugan.

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
25,900FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles