17.7 C
Baguio City
Wednesday, July 1, 2026
spot_img

Lokal na Pamahalaan ng Mangaldan, namahagi ng mga punla sa Sto. Thomas Catholic School

Namahagi ang Lokal na Pamahalaan ng Mangaldan ng iba’t ibang klase ng punla ng puno sa Santo Tomas Catholic School (STCS) noong Oktubre 15, 2025, sa Farmers’ Training Center, Barangay Guilig.

Layunin ng aktibidad na suportahan ang isasagawang tree planting activity ng nasabing paaralan sa Barangay David sa darating na Biyernes, Oktubre 17. Pinangunahan ito ng mga kawani mula sa Municipal Agriculture Office (MAO) sa direktang pagsuporta ng administrasyon ni Mayor Bona Fe De Vera Parayno, na siya ring Alumni President ng STCS.

Personal na tinanggap ng mga guro ng STCS na sina Megan Homero at Mark Justen Tibig, bilang kinatawan ng punong-guro na si Luz Nanalis, ang mga punla mula sa MAO. Kasama rin sa aktibidad ang ilang piling estudyante ng paaralan na aktibong nakibahagi sa programa.

Ayon kay Mayor Parayno, ang naturang inisyatiba ay bahagi ng mas malawak na adbokasiya ng lokal na pamahalaan upang himukin ang mga kabataan at iba’t ibang sektor ng lipunan na makiisa sa mga programa para sa pangangalaga ng kalikasan at pagtataguyod ng isang mas luntiang komunidad.

Sa pamamagitan ng mga ganitong proyekto, ipinapakita ng Mangaldan ang kanilang malasakit sa kapaligiran at suporta sa layuning makamit ang isang Bagong Pilipinas na may balanseng kaunlaran at kalikasan.

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
25,900FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles