17.7 C
Baguio City
Wednesday, July 1, 2026
spot_img

Tobacco Production Training, isinagawa sa Bayambang

Upang higit pang mapaunlad ang kaalaman ng mga lokal na magsasaka sa tamang pagtatanim at produksyon ng tabako, isinagawa ng Municipal Agriculture Office (MAO), sa pangunguna ni Municipal Administrator Atty. Rodelynn Rajini S. Vidad, ang Tobacco Production Training noong Oktubre 15, 2025 sa Agriculture Conference Room, Legislative Building.

Sa kanyang inspirasyonal na mensahe, binigyang-diin ni Mayor Niña Jose-Quiambao ang kahalagahan ng pagtutok sa mga programang pang-agrikultura na makatutulong sa kabuhayan ng mga magsasakang Bayambangueño. Aniya, patuloy na magsisilbing katuwang ng mga magsasaka ang lokal na pamahalaan sa pamamagitan ng pagbibigay ng oportunidad at mga pagsasanay na magpapalakas ng kanilang kakayahan sa produksyon at pagnenegosyo.

Naging tagapagsalita sa naturang pagsasanay sina Mr. Israel C. Ramos, Agriculturist II, na tinalakay ang tamang proseso ng tobacco production, at Ms. Myrna P. Galaraga, Senior TPRO ng National Tobacco Administration (NTA), na nagbahagi ng mga proyekto at regulasyon ng kanilang ahensya.

Layunin ng aktibidad na mapanatili ang kalidad at produktibidad ng industriya ng tabako sa Bayambang, kasabay ng pagpapaigting sa agrikulturang nagsusustento sa kabuhayan ng mga mamamayan.

Source: Balon Bayambang
Panulat: Manlalakbay

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
25,900FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles