17.7 C
Baguio City
Wednesday, July 1, 2026
spot_img

Halos 300 Club Numero Uno Scholars, tumanggap ng Educational Assistance

Tinanggap ng halos tatlong daang Club Numero Uno Scholars ang tig-Php10,000 na educational assistance mula sa Pamahalaang Panlalawigan ng Cagayan para sa school year 2022–2023 nito lamang Oktubre 16, 2025.

Ang Club Numero Uno ay isang scholarship program na itinatag ng Pamahalaang Panlalawigan ng Cagayan para sa mga estudyanteng nagtapos bilang valedictorian sa High School o Senior High School sa mga pampubliko at pribadong paaralan sa probinsiya.

Layunin ng programa na matulungan ang mga kabataang Cagayano sa kanilang pag-aaral at kilalanin ang kanilang kahusayan at sipag sa akademya.

Sa pamamagitan ng Club Numero Uno, patuloy na isinusulong ng Pamahalaang Panlalawigan ng Cagayan ang edukasyon bilang isang mahalagang instrumento sa pag-angat ng buhay ng mga Cagayano at paghubog ng mga susunod na lider ng lalawigan.

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
25,900FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles