17.7 C
Baguio City
Wednesday, July 1, 2026
spot_img

Serbisyong Medikal, handog ng Alagang Nanay Preventive Health Care Program

Naghandog ng libreng serbisyong medikal para sa mga Kapampangan ang Alagang Nanay Preventive Health Care Program ng Pamahalaang Panlalawigan ng Pampanga sa Lubao Gymnasium, Brgy. Sta. Teresita, Lubao, Pampanga nito lamang Miyerkules, ika-15 ng Oktubre 2025.

Ang programang ito ay bahagi ng patuloy na inisyatibo ng Kapitolyo sa pangunguna ni Hon. Lilia “Nanay” Pineda, Gobernador ng Pampanga.

Nakatanggap ang mahigit 1,100 na pasyente mula sa Bayan ng Apalit at San Simon, Pampanga ng libreng konsultasyon, gamot na sapat hanggang tatlong buwan at food packs mula sa Kapitolyo, na labis namang ikinatuwa ng mga ito.

Layunin ng programang ito na maghatid ng tulong sa mga mamamayan upang mapangalagaan ang kanilang kalusugan at maiwasan ang malulubhang karamdaman sa pamamagitan ng maagang konsultasyon at wastong paggamot.

Patuloy ang pamahalaan sa paghahatid ng dekalidad na serbisyo at aktibong pakikilahok sa iba’t ibang programa upang matugunan ang pangangailangan ng mga mamamayan at matiyak ang maayos, ligtas, at maginhawang pamumuhay.

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
25,900FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles