17.7 C
Baguio City
Wednesday, July 1, 2026
spot_img

PBBM, nanguna sa inauguration ng Union Dam sa Claveria, Cagayan; 1,017 magsasaka, makikinabang

Pinangunahan nang Pangulong Ferdinand “ Bongbong: R Marcos Jr ang Inauguration ng Union Water Impounding Dam Project sa Claveria, Cagayan ngayong ika-14 ng Oktubre 2025.

Ang naturang Dam ay inaasahang pakikinabang ng higit sa 1,017 magsasaka at mapapatubigan nito ang 1,050 ektarya ng irrigable land, na sumasaklaw sa pitong barangay ng Clveria , katulad ng Union, Mabnang, San Vicente, Lablabig, Cadcadir East, Kilkiling, at Cadcadir West. Sinusuportahan nito ang pitong Irrigators’ Associations (IAs) sa munisipyo.

Ayon kay Claveria Mayor Lucille Angelus Guillen-Yapo malaking tulong ang naturang proyekto sa agrikultura at pati na rin sa Ekonomiya dahil magsisilbi ito bilang flood control at eco-tourism site na magbibigay ng karagdagang oportunidad sa lokal na ekonomiya.

Kasama ni Pangulong Marcos Jr sa programa sina National Irrigation Administration (NIA) Administrator Engr. Eduardo “Eddie” Guillen, Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Vince Dizon, Cagayan Governor Edgar “Manong Egay” Aglipay, at Claveria Mayor Lucille Angelus Guillen-Yapo.

Ang Union Dam ay proyekto ng NIA katuwang ang DPWH na sumasalalim ng pag-unlad; katatagan sa paiba-ibang klima at pagpapalakas sa agrikultura.

Source: nia.gov.ph/Cagayan PIO

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
25,900FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles