17.7 C
Baguio City
Wednesday, July 1, 2026
spot_img

Balay Silangan sa Tuguegarao City, opisyal nang binuksan

Pormal nang inilunsad ang Balay Silangan Reformation Center kasabay ng ginanap na blessing at launching ceremony sa Barangay Larion Alto, Tuguegarao City, nito lamang ika-10 ng Oktubre 2025.

Pinangunahan ito ni Rev. Fr. Franklin Manibog ang pagbabasbas ng pasilidad na dinaluhan ng mga opisyal mula sa PNP, PDEA, BJMP, DILG, DOH, at iba’t ibang tanggapan ng lokal na pamahalaan.

Ayon kay Mayor Maila Rosario S. Ting-Que ang buong suporta ng lokal na pamahalaan sa mga reformists, kabilang ang financial assistance at livelihood programs para sa kanilang mga pamilya.

Ipinunto naman ni PDEA Cagayan Provincial Director Jojo Gayuma na ang programang ito ay pagkakataong ibinibigay ng pamahalaan upang tuluyang makalaya sa bisyo at makapagsimulang muli.

Layunin ng nasabing pasilidad na magsilbing pansamantalang tahanan ng mga drug reformists na sasailalim sa 30-araw na reformation program bilang hakbang tungo sa kanilang pagbabagong-buhay.

Ang Balay Silangan ay simbolo ng pagkakaisa ng pamahalaan at komunidad sa pagsusulong ng kapayapaan, disiplina, at pagbabagong-buhay tungo sa mas ligtas na Tuguegarao City.

Source: Tuguegarao City Information Office

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
25,900FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles