17.7 C
Baguio City
Wednesday, July 1, 2026
spot_img

DTI Apayao, nagsagawa ng livelihood training para sa mga magsasaka at food processor

Nagsagawa sa 20 magsasaka at processors ng cacao ang dumalo sa dalawang araw na pagsasanay sa livelihood program na ginanap sa Girton Babes Travellers Inn, Malama, Conner, Apayao noong Oktubre 1–2, 2025

Isinagawa ang pagsasanay sa ilalim ng OTOP Next Gen Program ng Department of Trade and Industry–Apayao na naglalayong “gawing ginto ang cacao” sa pamamagitan ng pagtuturo kung paano magamit ang cacao butter sa paggawa ng sabon, moisturizer, at cacao butter spread.

Binigyang-diin sa talakayan na ang value-adding, product diversification, at wastong paggamit ng cacao by-products ay susi upang mapataas ang kita ng mga magsasaka at mapalakas ang cacao industry ng Apayao.

Dagdag ng DTI, ang programa ay nagbubukas ng mas kapaki-pakinabang at pangmatagalang oportunidad para sa mga cacao growers at processors habang tumutulong sa pagpapalago ng kabuhayan at ekonomiya ng lalawigan.

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
25,900FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles