Matagumpay na nagsagawa ng relief operation ang pinagsamang kawani ng iba’t ibang ahensya ng gobyerno sa Gobgob, Tabuk City, Kalinga nito lamang ika-4 ng Oktubre, 2025.
Ang operasyon ay pinangunahan ng Department of Social Welfare and Development katuwang ang Kalinga Police Provincial Office, Special Action Force, Regional Mobile Force Battalion 15, Philippine Army, at Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDADRRMO) ng Kalinga.

Nasa kabuuang 41 pamilya mula sa Barangay Gobgob ang nabigyan ng ready-to-eat family food packs upang makatulong sa kanilang agarang pangangailangan.
Ang hakbang ng ito ng mga ahensya ng pamahalaan ay patunay sa nagkakaisang layunin na matugunan ang mga pangangailangan ng bawat pamilya sa panahon ng kagipitan at krisis.





