Naghatid ng tulong sa pamamagitan ng relief operation ang OKCares Foundation katuwang ang Angeles City Social Welfare and Development Office sa mga apektadong residente dahil sa bagyo sa Barangay Sapang Bato, Angeles City nito lamang Biyernes, Oktubre 3, 2025.
Sa ilalim ng pamumuno ni Mayor Jon Lazatin, at sa pakikipagtulungan ng mga opisyal ng barangay, naging maayos at mabilis ang distribusyon ng ayuda.
Tiniyak ng lokal na pamahalaan na makarating agad ang tulong sa mga pamilyang lubhang naapektuhan.
Namahagi ang grupo ng food packs na nagkakahalaga ng ₱500 bawat isa, na ipinamahagi sa kabuuang 1,200 pamilya mula sa 13 barangay ng Angeles City.


Kabilang dito ang Balibago, Agapito del Rosario, Salapungan, Sapangbato, Amsic, Pulungbulu, Anunas, Cuayan, Pampang, Malabanias, Ninoy Aquino, Pandan, at Capaya.
Layunin ng naturang operasyon hindi lamang mapawi ang gutom sa pamamagitan ng pagkakaisa ng pribadong sektor, lokal na pamahalaan, at mga mamamayan.




