Sanib-pwersa ang Local Government Unit at Bulacan Police Provincial Office sa pamamahagi ng relief goods sa mga kababayan nating naapektuhan ng Habagat sa Barangay Malis, Guiguinto, Bulacan nito lamang Agosto 11, 2026.
Pinangunahan ang pamamahagi nina Governor Daniel Fernando, Vice Governor Alexis C. Castro at Police Colonel Jay B. Baybayan, Acting Provincial Director ng Bulacan PPO, para maihatid ang tulong sa mga pamilyang lubhang nangangailangan.


Tumulong din ang kapulisan sa maayos na pila at pamamahagi ng food packs mula sa pamahalaan. Nagbigay din ng seguridad ang pulisya para siguradong ligtas at maayos ang buong aktibidad.
Sa pagtutulungan ng LGU at PNP, tuloy-tuloy ang pag-abot ng ayuda sa mga Bulakenyong apektado ng kalamidad.




